mhenu is an ordering and point-of-sale platform for food businesses in the Philippines. Online menu, POS, riders at resibo, sa iisang app.
Sample na resibo lang ito. Pindutin ang "Print ulit" sa printer.
Ikaw naman ang magtinda.
Trenta segundong dinner rush sa tindahan mo. Tanggapin ang orders bago mainip ang suki. Sa dulo, ipi-print namin kung magkano ang naiwan sa'yo.
Laro lang ito. Sample ang orders, at walang totoong pera.
- Sa'yo
- ₱0
- mhenu
- ₱0
- 25% commission sana
- ₱0
Laro lang ito, at ang 25% ay halimbawa lang. Hindi kasama ang bayad sa online payment provider at ang delivery fee.
-
Suki mo
Nagutom si Carla.
Binuksan niya ang link ng store mo. Menu muna, para sa delivery, pickup o dine-in. Sa checkout na lang siya magla-login.
-
Cashier
Tumunog sa counter.
Isang tap, tanggap na ang order. Lalabas ang slip sa Bluetooth printer. Naubos ang silog? Isang tap din, wala na sa menu.
-
Rider
Nawalan ng signal sa eskinita.
Okay lang. Naka-save sa phone ang proof of delivery, at kusa itong magsi-sync pagbalik ng signal.
-
Ikaw, ang may-ari
Delivered. ₱10 ang bawas.
Hindi porsyento ng benta. Sa pagtanggap, naka-reserve lang ang ₱10. Pag-deliver lang ito nababawas, at bumabalik kapag na-cancel bago umalis ang rider.
Sariling tindahan, sariling link:
Sa'yo lang nakatingin ang suki.
Sa delivery app, katabi mo ang dose-dosenang tindahan, promo at ads, lahat nag-aagawan sa gutom ng customer mo. Sa link ng tindahan mo, ikaw lang ang nandoon.
Sa Messenger ng Facebook page mo
- Hm po pares? Nagde-deliver po kayo sa Cubao?
- Nandito po ang menu at presyo, dito na rin po mag-order:
- Tindahan Momhenu.com/s/tindahan-mo
- Ayun, nakapag-order na po ako!
- Isang link, kahit saan. Ilagay sa Facebook page mo, i-pin sa post, o ipadala sa Messenger. Iisang link para sa delivery, pickup at dine-in.
- Tapos na ang "hm po?" Hindi mo na isa-isang sasagutin ang presyo. Kita na sa link ang menu, at diretso sa counter mo ang order, hindi sa chat na kokopyahin pa.
- Mukha mo ang makikita. Sariling logo at cover photo. Walang ibang tindahan at walang ads sa store page mo.
- Ang suki mismo ang magpapasa. May Share button ang store page, kaya maipapasa nila ito sa GC ng pamilya o barkada.
Halimbawa lang ang mga tindahan, promo at presyo dito.
Ang panlaban mo:
Babalik ang suki. Sa'yo, hindi sa app.
Sa malalaking delivery app, sa app nagiging suki ang customer. Sa mhenu, may sariling stamp card ang tindahan mo. Bawat order, may tatak. Pagkumpleto, may libre. At ang tatak sa'yo, sa'yo lang magagamit.
- Bawat tatak, galing sa order. Kusang tatatakan pag na-deliver. Sa walk-in, ang cashier ang magtatatak mula sa natapos na order, at nakalista kung sino ang nagtatak.
- Ikaw ang bahala sa premyo. Ilang tatak bago ang libre, mula 2 hanggang 50. Ikaw rin ang pipili ng premyo at ng minimum na order.
- Sa tindahan mo lang. Hindi magagamit sa ibang tindahan ang stamps ng suki mo. Ang sobrang tatak, dala sa susunod na card.
- Kasama na sa ₱10. Walang dagdag na bayad para sa loyalty.
Sample na card lang ito. Pindutin ang button para tatakan.
Totoong suki lang ang makaka-review.
Walang review na galing sa hindi umorder. Ang may natapos na order lang ang makakapag-rate, isang beses kada order, sa loob ng 14 na araw. 1 hanggang 5 stars, may komento kung gusto nila. Unang pangalan at initial lang ang lalabas sa store page mo.
4.8★★★★★
mula sa 126 na natapos na order
-
Carla M.★★★★★
Mainit pa pagdating, at sakto ang sabaw. Pang-anim kong tatak na, malapit na ang libre ko.
Spicy Beef Pares · Delivery -
Jun R.★★★★★
Na-track ko kung nasaan na ang rider, kaya hindi na ako tumawag. Mabilis.
Tapsilog, Sago't Gulaman · Delivery -
Mae D.★★★★
★Masarap ang shanghai. Sana may extra sawsawan sa susunod.
Lumpiang Shanghai · Pickup
Sample ang mga review at numero dito, para makita mo ang itsura. Sa store mo, galing ang mga ito sa totoong suki mo.
Ang presyo, buo:
₱10
kada successful order. Galing sa prepaid wallet mo. Hindi tumataas kahit lumaki ang order.
Magkano ang kagat sa ₱180 na order?
- Walang nakatago sa cashier. Status lang ng wallet ang nakikita ng staff, hindi ang laman.
- Naubos ang load? Hihinto ang bagong orders, pero matatapos pa rin ang mga nasa daan na.
- Top-up na walang dagdag. Bank transfer o GCash, diretso sa admin.
Saan pwede ang mhenu?
Kahit saan sa Pilipinas.
Walang listahan ng "covered areas." Sariling riders ng tindahan mo ang maghahatid, kaya hindi ka nakadepende sa abot ng isang courier. Kung may signal ang phone mo, pwede ang carinderia, restaurant, food stall o milk tea shop mo, nasa siyudad man o nasa bayan.
- LuzonMetro Manila, Bulacan, Pampanga, Cavite, Laguna, Batangas, Baguio, Ilocos, Bicol
- VisayasCebu, Iloilo, Bacolod, Tacloban, Dumaguete, Bohol
- MindanaoDavao, Cagayan de Oro, General Santos, Zamboanga, Butuan, Iligan
- Mahina ang signal? May offline mode ang rider app. Naka-save ang proof of delivery at magsi-sync pagbalik ng signal.
- Top-up kahit nasaan ka. GCash o bank transfer papunta sa prepaid wallet mo.
- Walang dagdag sa malayo. ₱10 pa rin kada successful order, sa Maynila man o sa probinsya.
Halimbawa lang ang mga lugar sa itaas, hindi listahan ng branches.
Mga madalas itanong
Magkano ang mhenu?
₱10 kada successful order, galing sa prepaid wallet mo. Walang porsyento sa benta, at hindi ito tumataas kahit lumaki ang order. Hindi kasama ang bayad sa online payment provider at ang delivery fee.
Pwede ba ang tindahan ko kahit nasa probinsya?
Oo. Walang listahan ng covered areas ang mhenu. Kahit saan sa Luzon, Visayas o Mindanao, pwedeng mag-apply ang food business mo. Sariling riders mo ang maghahatid, kaya hindi ka nakadepende sa coverage ng courier.
Kailangan ko ba ng sariling rider?
Para sa delivery, oo: sariling riders mo ang maghahatid, gamit ang rider app na may proof of delivery at offline mode. Pwede rin ang pickup at dine-in sa iisang link ng store mo.
Kailangan bang mag-download ng app ang customer?
Hindi. Bubuksan lang nila ang link ng store mo sa browser ng phone nila. Makikita agad ang menu, at sa checkout na lang sila magla-login.
Anong printer ang gamit?
58mm Bluetooth thermal printer, para sa kitchen slip at resibo ng customer.
Ano ang kailangan para mag-apply?
Pangalan ng negosyo, pangalan at mobile number mo, pangalan at address ng unang branch, at email at password para sa login. Pwede ring ilagay ang Facebook page o website mo. Tao ang nagre-review ng bawat application. Mag-apply dito.
Your data, and your customers' data
To apply, you give your business name, your name and mobile number, your first branch's name and address, and an email and password for your login. You can also add your Facebook page or website. mhenu uses these to review your application and run your store.
Your customers need an account to place an order. If they continue with Google, mhenu receives their name, email address and profile picture, and uses them only to sign them in and set up their account. Their mobile number and delivery address let your store and riders complete the order. Read the Privacy Policy for everything mhenu collects and how it is used.





Silog Express−20%
Lugaw HubLibreng delivery
Burger BrosSponsored
Kanto Grill−30%
Pancit PlaceBago
Milk Tea Co.Buy 1 Take 1
Inasal Corner−15%